-- Advertisements --
Pinaulanan ng mga Hong Kong Police ang ilang libong protesters na nagtangkang makalapit sa gusali ng gobyerno.
Ito na nag ika-pitong magkakasunod na Linggo na nagsagawa ng kilos protesta ang may mahigit 138,000 na rallyesta.
Nakasuot na kulay-itim na damit na may nakasulat na “Free Hong Kong” ang mga dumalo sa rally.
Ang nasabing kilos protesta ay nagpatuloy kahit na ibinasura na ang kontrobersyal na extraditon bill.
Hinihiling kasi ng Civil Human Rights Fronts ang nag-organisa ng rally, ng independent investigation sa ginawang brutal na pagpapaalis noon ng mga kapulisan sa mga naunang kilos-protesta.