-- Advertisements --
Hong Kong rallies

Tiniyak ng Hong Kong police na hindi na mauulit pa ang ginawang paglusob ng mga protesters sa government building.

Kasunod ito sa madugong dispersal na ginawa ng mga kapulisan para mapalayas sa Legislative Council Building ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Napilitang magpakawala ng tear gas ang mga kapulisan para tuluyang mapaalis ang nagsagawa ng kilos protesta.

Kinondina naman ni political leader Carrie Lam ang ginawang mapanirang kilos protesta.

Dakong alas-4:00 ng madaling araw kanina nang humarap si Lam para sa early morning news conference.

“This violence and lawlessness have seriously affected the core values of Hong Kong’s legal system,” ani Mrs. Lam sa mga mamamahayag. “I feel very indignant and saddened by this and want to strongly condemn it. I believe that the public feels the same.”

Kasabay nito, nahiwatigan din nang paglambot si Lam sa mga hinaing ng mamamayan kasabay ng pangako na makikinig sa mga ito.

“I can say here, whether it’s pan-democratic lawmakers or groups of young people in future days I am very willing to communicate about the matters they care about.”

Magugunitang isinabay ng mga protesters ang pagkondina nila sa kontrobersyal na extradition bill sa ika-22 taong anibersaryo ng handover ng Britanya sa sovereignty ng Hong Kong tungo sa China.

Liban sa nabanggit na kadahilanan, may apat pang iba na mga hinihiling na kondisyones ang mga nagpoprotesta.

hong kong protests nathan law
Hong Kong protest rallies #AntiELAB #FreedomHK #FreedomHKG (photo from Nathan Law)
hong kong nathan law
Hong Kong protest rallies #AntiELAB #FreedomHK #FreedomHKG (photo from Nathan Law)