-- Advertisements --
hong kong teargas protests

Libu-libo na namang mamamayan ang muling nagmartsa sa Hong Kong upang magsagawa ng malawakang kilos protesta.

Isinagawang muli ng mga raliyesta ang kanilang kilos protesta sa lungsod ng New Territories kung saan malapit ito sa border ng mainland China.

Muling nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga otoridad at raliyesta matapos subukan ng mga riot police na paalisin ang mga ito sa Hilagang-Kanluran bahagi ng Yuen Long.

Nagpakawala ng tear gas at pepper spray ang mga kapulisan habang gumanti naman ang mga demonstrador sa pamamagitan ng pagbato ng granada sa mga otoridad.

Nagtayo rin ng barikada ang ilan sa mga sidewalk railings upang mapigilan ang mga pulis na makaabot sa kanila.

Ayon sa mga otoridad, inaresto nila ang 11 rallyists habang nagtatago ang mga ito sa isang train station at nagpapahinga mula sa kanilang nalanghap na tear gas.

HK teargas

Umabot naman sa 24 katao ang dinala sa ospital dahil sa mga natamong sugat.

Ang pangyayari nitong Linggo ng gabi ang ikawalong sunod na weekend ng mass demonstrations sa Hong Kong.

Nagsimula ang malawakang kilos protesta noong nakaraang buwan dahil sa tangka na pagpatupad ng batas sa extradition.

Sa huli ay sinuspinde at tuluyan nang iniatras ang naturang kontrobersiyal na panukala.

Nitong nakaraang Sabado naman naging sentro ng reklamo ng mga nagpoprotesta ang idinulot na gulo ng mga miyembro ng Beijing triad na umanoy kinukunsinti ng mismong mga otoridad.

Samantala kumilos na rin ang Beijing at nakatakdang magbigay ng statement mamamayang hapon ukol sa nagaganap na karahasan sa kanilang semi-autonomous city sa Hong Kong.

HK Protest
Hong Kong protest/ Twitter Image