-- Advertisements --
hk protest 2

Tinarget ng mga anti-democracy protesters ang ilang Chinese-linked businesses sa kanilang panibagong yugto ng malawakang kilos-protesta laban sa Hong Kong government.

Dinumihan din ng mga ito ang harapan ng mga tindahan, ilang metro stations, hinarangan ang ilang kalsada at pinagbabato ng petrol bombs ang mga pulis.

Nagawa rin nilang sunugin ang mga barikada na nakalagay sa daan at binastos din umano ng mga ito ang watawat ng mainland China.

Gumanti naman ang mga otoridad ng tear gas at rubeer bullets kasabay ang pag-aresto sa ilang mga raliyista. Habang ang iba sa kanilang mga kasamahan ay lumipat ng pwesto at doon ipinagpatuloy ang kanilang protesta.

Napigilan din ng mga otoridad ang dapat sana’y pagharang ng mga anti-democracy protesters sa international airport ng lungsod.

Ayon sa Airport Express train service, papayagan lamang nitong makaalis ang mga pasahero na mayroong flight tickets mula Hong Kong station patungo sa airport.

Mapipilitan din umano sila na huwag tumigil sa ilang istasyon upang maiwasan ang mga nagpo-protesta.