Inamin ni Chinese President Xi Jinping na mukhang mahihirapan ang Hong Kong na tuldukan ang kaguluhan sa Hong Kong kasabay ng lumalalang kilos-protesta ng mamamayan laban sa kanilang gobyerno.
Sinabi ito ni Xi matapos niyang dumalo sa 11th BRICS summit na ginanap sa bansang Brazil.
Ayon kay Xi, dahil sa patuloy na marahas na aktibidad sa Hong Kong ay labis nang naaapektuhan ang rule of law at social order ng naturang lungsod.
Aniya, batid daw umano nito na sinusubukan lang ng mga raliyista ang “one country, two systems” na umiiral sa Hong Kong.
Binigyang diin pa ni Xi na magsisilbing malaking dagok para sa Hong Kong government na subukang ibalik ang kaayusan sa lungsod ngunit sinigurado rin ng pangulo na buo ang kanilang suporta kay Hong Kong leader Carrie Lam, Hong Kong authorities at Hong Kong judicial bodies na panagutin ang mga kriminal na lumalabag sa batas.
Dagdag pa nito na determinado ang Chinese government na protekatahan ang national sovereignty, security and development interests at harangin sinomang bansa na mangingialam sa mga kaganapan sa Hong Kong.