-- Advertisements --
Hong Kong protest
Hong Kong protests

Hindi natakot ang mga protesters sa Hong Kong na magsagawa pa ng mga malalaking kilos proteta kahit na nagbanta ang China na sila ay manghihimasok na.

Ayon sa Civil Human Rights Fronts, ang organizer ng million-strong marches na nagsimula noong Hunyo, na may nakatakdang malaking kilos protesta silang ikinakasa sa araw ng Linggo.

Wala silang kinakatakutan aniya sa banta ng China dahil alam nila na tama ang kanilang pinaglalaban.

Handa rin aniya sila sa anumang gagawin ng China kahit may nakahandang ilang libong mga sundalo na nagsasagawa ng military exercise sa sports stadium na malapit sa Hong Kong.

Nauna rito hinikayat ni US President Donald Trump si Chinese President Xi Jinping na pulungin ang mga nagsasagawa ng kilos protesta para matigil na ang kaguluhan doon.

Magugunitang bumalik na sa normal ang operasyon ng paliparan doon matapos na lusubin ng mga rallyiesta sa loob ng dalawang araw.