-- Advertisements --

Pinatawan na ng visa restrictions ang Estados Unidos ang mga opisyal ng Chinese Communist Party dahil pa rin sa kontrobersyal na security law sa Hong Kong.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, target umano ng sanctions ang mga kasalukuyan at dating party officials.

Ang nasabing hakbang aniya ay kasunod ng pangako ni US President Donald Trump na parurusahan nito ang Beijing dahil sa naturang batas na posible raw magdulot ng kasiraan sa otonomiya ng Hong Kong.

Sa inilabas namang pahayag ng Chinese Embassy sa Washington, malaking pagkakamali raw ang naging pasyang ito ng Amerika at dapat itong bawiin.

Giit pa ng embahada, dapat daw tigilan ng Amerika ang panghihimasok sa domestic issues ng China.

“We urge the US side to immediately correct its mistakes, withdraw the decision and stop interfering in China’s domestic affairs,” saad ng embahada.

Nakatakda namang pag-usapan bukas, araw ng Linggo ng Standing Committee of the National People’s Congress ang nasabing batas sa gaganapin nilang pulong. (BBC)