-- Advertisements --
Patay ang isang estudyante ng Hong Kong university matapos na mahulog sa kasagsagan ng kilos protesta.
Kinilala ang bikitma na si Chow Tsz-lok, 22-anyos at isang two-year undergraduate sa Hong Kong University of Science and Technology.
Itinuturing na ito ang unang estudyante na nasawi sa kasagsagan ng anti-government protest na nagsimula pa noong Hulyo.
Sa inisyal na imbestigasyon, nahulog ang biktima sa unang palapag ng parking lot.
Magugunitang marami na ang nasugatan sa patuloy na kilos protesta dahil sa pagkontra sa binasurang extradition bill.