-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagmistulang ghost town ang Hong Kong matapos manalasa ang Bagyong Nangka.
Ayon kay Bombo International Correspondent Merly Bunda, sinabi nito na ayon sa Hong Kong Observatory, signal number 8 ang bagyo na sa ngayon ay nasa 490 kilometers south-southwest ng Hong Kong.
Sinabi ni Bunda na ang bagyo ay may lakas na 63 kilometers per hour at inaasahan na mas lalakas pa habang binabaybay ang Hainan Island.
Nagsara na rin aniya ang mga tindahan at maging ang mga paaralan at kahit ang pampublikong transportasyon ay limitado na rin.
Samantala, kinansela ang nakatakdang pagbisita sana ni Chinese President Xi Jinping sa Shenzhen na katabi lang ng Hong Kong dahil sa bagyo.