-- Advertisements --
LA UNION – Ipinahinto ng Hongkong Food and Health Bureau ang pagtuturok ng BioNTech vaccine na gawa ng Pfizer.
Ito’y matapos madiskubre ng mga health officials sa Hong Kong na may mga vials ang nakitaan ng broken seal.
Ito naman ang ibinalita sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay BNIC Emily Miranda, tubo ng La Union at isang overseas worker sa Hong Kong.
Sinabi ni Miranda, na wala pang anunsiyo ang health bureau sa nasabing bansa kung kailan itutuloy ang rollout sa BioNTech vaccine, ngunit bilang precaution sa pagpapatuloy na vaccination, kinakailangang suspindehin ang paggamit sa naturang bakuna habang isinasagawa ang imbestigasyon.