-- Advertisements --
image 282

Walang pagtaas sa honoraria ng mga guro sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October dahil sa maliit na pondo ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nasa 2.7 billion lang raw ang idinagdag na pondo sa darating na election dahil hindi na aprubahan ang 10-billion sana na kahilingang karagdagan.

Maari naman raw itong maadjust hanggang 3 billion kung sakaling umabot sa 1.5 million ang mga botante.

“Dahil nga po sa kakulangan ng budget ay minarapat po natin na i-fix na lang po ang kanilang matatanggap sa ₱6,000 sa electoral board chairman, ₱5,000 sa mga members po, at ‘yong ibang precinct workers ₱4,000,” nilinaw ni Comelec Chairperson George Garcia.

Samantala, ayon sa Comelec chief naghahanap naman raw sila ng paraan upang matulongan ang mga guro sa manual na pagbibilang at umaasa parin sa pagdagdag ng honoraria.