-- Advertisements --
Nasa 60 percent na raw ng mga honoraria ng mga gurong nagsilbi bilang electoral board ang naipamahagi na ng Commission on Elections (Comelec).
Sa press briefing na ipinatawag ni Comelec Spokesman James Jimenez, as of alas-12:00 kaninang tanghali ay nasa 59.2 percent na ng mga honoraria ang nabayaran ng komisyon.
Ito ay katumbas ng P1.5 billion mula sa kabuuang pondong P2.6 billion para sa mga gurong nakibahagi sa halalan.
Naglalaro ang honoraria mula P3,000 hanggang P6,000 depende sa naging posisyong hinawakan ng mga ito sa kabuan ng halalan 2019.
Nangako ang Comelec na mayroong karagdagang insentibo sa mga gurong naglingkod sa mga lugar kung saan nagkaroon ng special elections partikular sa Jones, Isabela at Zamboanga del Sur.