-- Advertisements --
Umaapela si 1-ANG EDUKASYON Party-list Rep. Salvador Belaro sa Commission on Elections (COMELEC) at Department of Education (DepEd) na huwag nang buwisan pa ang compensation na matatanggap ng mga gurong magsisilbi sa nalalapit na halalan.
Iginiit ng kongresista na maliit pa kung titingnan ang 100 percent tax exemption sa honoraria at benefits para sa mga guro sa May 13 election, kompara sa pagod at sakripisyo ng mga ito.
Bukod dito, hindi rin kasama sa annual recurring income ang ibibigay na bayad sa mga guro sa halalan kaya hindi na dapat aniya itong buwisan.
Nabatid na may P2 billion na nakalaang pondo ang COMELEC para sa mga gurong magsisilbi sa halalan.