Bumwelta si Senadora Risa Hontiveros sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang 15 mga senador upang magbigay daan sa siyan na PDP senatorial candidates na kanyang ineendorso.
Sa panayam, sinabi ni Hontiveros ang dapat na iprayoridad ng gobyerno ng bansa ay ang pagpapababa ng mga bilihin sa merkado sa halip na mag-udyok ng karahasan.
Sinabi naman ni senate president pro tempore jinggoy estrada na mapagbiro lamang si dating pangulong duterte.
wala raw isyu sa kanya ang binitawang pahayag ng dating pangulo na pumatay ng 15 mga senador upang magbigay-daan sa 9 na senatorial candidates na kanyang ineendorso.
Sa palagay naman ni senador ramon bong revilla jr., bulaklak lang ng bibig o expression lamang daw ito ng nakatatandang duterte.
hindi daw siya natatakot sa binitiwang salita ni digong sapagkat mayroon daw siyang agimat.
sa talumpati ni duterte sa proclamation rally ng pdp laban noong pebrero 13, sinabi nito patayin ang mga senador na nakaupo ngayon upang mabakante para sa siyam na pdp senatorial candidates.
aniya, kung makapatay nang labing-lima na mga senador, tiyak aniya na pasok ang lahat ng kanyang ineenderso.