-- Advertisements --
Senate 18th Congress
IMAGE | SENATORS OF 18TH CONGRESS: (L-R, above) Sen’s. Lito Lapid, Koko Pimentel, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Bong Go, Ronald dela Rosa, Richard Gordon, Ramon Revilla Jr., Francis Pangilinan, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, and Panfilo Lacson. (L-R, bottom) Sen’s. Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, Majority leader Juan Miguel Zubiri, Senate Pres. Tito Sotto III, Pro-Tempore Ralph Recto, Minority leader Franklin Drilon, Cynthia Villar, Pia Cayetano and Imee Marcos/Senate PRIB

Bumwelta si Sen. Risa Hontiveros sa isang netizen na pumuna sa kanyang suot para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Twitter post, iginiit ni Hontiveros na hindi dapat minamandohan ang kababaihan sa kung ano ang dapat nilang suotin.

Binatikos ng isang netizen ang puting short-skirt terno na suot ng mambabatas.

Makikita ito sa group photo ni Hontiveros kasama ang mga kapwa senador.

Kamakailan nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Safe Streets and Public Spaces Act” o “Bawal Bastos Law” na akda ni Hontiveros.

Layunin ng batas na kilalanin ang karapatan ng publiko kontra pambabastos sa pampublikong lugar at iba pa.

Samantala, umaasa naman ang senadora na tatalakayin ng pangulo ang mahahalagang issue ng bansa gaya ng problema sa West Philippine Sea at ekonomiya.

Para kay Hontiveros, hindi lecture kundi report ang dapat na gawin ng pangulo sa pagbibigay ng ulat sa taong bayan.