-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 08 12 56 26
IMAGE | MINORITY SENATORS (L-R): Sen’s. Antonio Trillanes IV, Kiko Pangilinan, Minority leader Franklin Drilon, Risa Hontiveros, and Bam Aquino/Office of Sen. Kiko Pangilinan

Ikinalungkot ni Senate Minority leader Franklin Drilon ang balitang target ng ilang bagong senador ang committee chairmanship ng kanyang mga kapwa minority senators para sa 18th Congress.

Aminado si Drilon na trabaho ng majority ang alokasyon ng mga chair sa bawat komite pero umaasa itong pagbabasehan pa rin ng kanyang mga kapwa mambabatas ang naging performance ng minority senators sa kakatapos lang na Kongreso.

“Sad, if true… I hope that the equity of the incumbent rule would also be applied to the committees chaired by the minority senators,” ani Drilon.

Nabatid ng mambabatas na nagpahayag ng interes si senator-elect Imee Marcos para maging chair ng Committee on Social Justice, Welfare and Development na hawak ni Sen. Leila De Lima.

Habang si re-elected Sen. Pia Cayetano ay target naman daw na makuha ang chairmanship ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.

Ito’y matapos humarap sa nakaraang meeting ng mga bagong uupong senador si Senate Pres. Tito Sotto.

Nauna ng sinabi ni Sen. Cynthia Villar na handa niyang ibigay kay Marcos ang chairmanship ng Committee on Agrarian Reform dahil din sa interes nito sa komite.

Ayon naman kay Sotto, kakausapin niya pa ang hanay ng minority hinggil sa hirit ng mga bagong mambabatas ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

Sa ngayon tiyak na hawak pa raw ni Sen. Kiko Pangilinan ang pamumuno ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Samantala, wala pang nagpapahayag na kunin ang Committee on Science and Technology ni outgoing Sen. Bam Aquino.

Habang mapupunta kay re-elected Sen. Bong Revilla Jr. ang chairmanship ng Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation na dating hawak ni Sen.