-- Advertisements --

Hihilingin ni Senadora Risa Hontiveros sa Korte na padaluhin si Lyu Dong, ang umano’y godfather ng mga POGO sa bansa sa ikakasang huling imbestigasyon ng Senado sa POGO. 

Ito’y upang mabigyang-linaw ang koneksyon ni Lyu Dong kay dismissed Bamban mayor Alice Guo o Guo Hua Ping. 

Si Lyu Dong ang sinasabing big boss ng Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga. Naaresto siya sa isang subdivision sa Laguna noong Huwebes ng gabi.

Gayunpaman, nanindigan si Hontiveros na huling pagdinig na ang itatakda ng Senate Committee on Women and Children hinggil sa POGO. 

Sa ngayon aniya ay wala pang eksaktong petsa kung kailan ikakasa ng kanyang komite ang huling pagdinig at uunahin muna ang imbestigasyon hinggil sa puganteng si Apollo Quiboloy.