-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senadora Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice and Human Rights na peke ang Sabah stamp sa pasaporte ni Shiela Leal Guo.

Ayon kay Hontiveros, nalaman nila sa mga kaibigan sa Sabah, Malaysia na walang “legal entry” si Shiela sa Sabah.

Dagdag ni Hontiveros, batay sa credible source ng komite, dumating sila sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Hulyo 18.

Batay sa nakalap na impormasyon ni Hontiveros mula sa Democratic Action Party, sister party ng Akbayan sa Malaysia, peke ang stamp nina Shiela sa Sabah.

Bago ito, napagalaman din na nanggaling pa muna sa Bali, Indonesia sina Shiela. bagay na walang makitang record hanggang ngayon.

Patuloy naman na iginigiit ni Shiela Guo ang kanyang naunang istorya na mula sa Pilipinas ay nagbangka at barko sila ng ilang araw bago nakarating ng Sabah saka palang daw sila nag-Malaysia.