-- Advertisements --

Ipasa-subpoena ni Senadora Risa Hontiveros sa susunod na pagdinig ng Senado ang mga CCTV footage na naglalaman ng pagtakas ng puganteng South Korean na si Na Ikheyon.

Ayon kay Hontiveros, kumpirmado ang CCTV na hindi lamang basta nakatakas ang puganteng Koreano mula sa Bureau of Immigration kundi sadya itong pinakawalan. 

Kabilang din sa ipasa-subpoena ng senadora ang CCTV sa loob ng isang bar kung saan posible aniyang nagkaroon dito ng transaksyon. 

Nabahala ang senadora dahil kung hindi pa raw naisiwalat sa publiko ang impormasyon ng pagtakas nitong pugante ay posibleng hindi pa nagkaroon ng manhunt operation. 

Mukha aniyang hindi pa rin mawala-wala ang kultura ng korapsyon sa Bureau of Immigration.  

Gayunpaman, sinabi ni Hontiveros, na dapat tiyakin ni Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na mapapatawan nang pinakamabigat na parusa kabilang na ang pagsasampa ng kasong criminal sa mga opisyal ng ahensya na sangkot sa nakahihiyang insidente ng pagpapatakas sa isang puganteng koreano.