-- Advertisements --

Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na maging mature na dahil iba na ang kinatatayuan nito kaysa noong mga nakaraang panahon.

Ito ang naging reaksyon ni Hontiveros matapos na makarating sa kaniya ang naging pahayag ni Dela Rosa na masama pa rin ang loob ng neophyte senator sa naging karanasan sa Senado noong resource person siya sa isinagawang imbestigasyon.

Ayon kay Hontiveros, sana ay maging professional si Sen. Bato dahil napaka-importante ng trabaho sa Senado at hindi dapat maapektuhan ng personal na emosyon.

Hindi naman nababahala ang senadora sa pasaring ng dating PNP chief na “epal” siya sa pagdinig.

Dagdag pa ni Hontiveros na tama lang ang ginawa nitong pagtatanong noon sa pagdinig at itinuro na nag-drama lang daw si Bato noon sa isyu ng extra judicial killings sa mga sangkot sa illegal drugs.