Kinwestiyon ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung sinadya ba nito ang paghahain nang mahinang kaso para makuha si dismissed Bamban mayor Alice Guo sa kanilang kustodiya.
Ayon kay Hontiveros, napaka-irregular ng nangyari.
Dahil dito, sumulat si hontiveros sa Regional Trial Court Branch 109 sa Capas, Tarlac at Philippine National Police Custodial Center para padaluhin Si Guo sa pagdinig ng Senado sa Lunes.
Bagay na inaprubahan din ng korte ang hiling ni Hontiveros na padaluhin ito sa pagdinig ng Senado.
Sa totoo lang aniya ay dapat ay nabitbit na ang suspendidong alkalde sa Senado pagkatapos maproseso ng National Bureau of Investigation (NBI) o PNP si Guo.
Giit pa nito, dapat ay Sandiganbayan ang may hawak sa graft and corruption charges laban sa high ranking officials gaya na lamang ni Guo.
Ayon naman sa legal councel ni guo na si Atty Stephen david, sa palagay nito mas nais ni Guo na manatili sa Senado dahil sa Senate detention facility naka-detain si Shiela Guo.
Ngunit wala naman aniyang kapangyarihan na mamili si guo at ito ay desisyon ng Korte.
Samantala, dahil nakatakda sa Lunes, Setyembre 9, ang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, nais ni David na dumalo ang kanyang kliyente sa pagdinig.