Handang harapin ni Senator Risa Hontiveros ang kasong isinampa ng mga empleyado ng Pharmally Pharmaceutical Corp.
Isa umanong walang saysay at katawa-tawa ang nasabing kaso laban sa kaniya at ng kaniyang staff members.
Paglilinaw ng senadora, ang pagtanggap na mga impormasyo ay nanggaling sa isang tao para masingil ang opisyal ng gobyerno sa paggasta nito ng pandemic funds ay hindi isang uri ng “inciting to sedition.”
Wala rin umanong nangyaring panunuhol sa mga whistleblowers para maisawalat ang anumang anomalya.
Magugunitang naghain ng kaso ang isang Jaime Vargas kasama si Atty. Ferdinand Topacio laban kay Hontiveros at staff nito dahil sa pagbibigay ng pera sa witness na si Veejay Almira para tumestigo laban sa Pharmally na siyang iniimbestigahan na ng Senado dahil sa maanomalyang kontrata na pinasok nito sa gobyerno.