Naasar umano ang Australian boxing star na si Jeff Horn (16-0-1, 11 KOs) kay Sen. Manny Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) sa ginanap na final press conference sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.
Ayon kay Horn, liban sa 45 minuto na late sa presscon si Pacman wala umanong inatupag ito kundi asikasuhin ang hawak na cellphone at text ng text.
Hindi naitago ng No. 1 challenger ang pagkaasar dahil habang nasa stage raw ang Pinoy ring legend kaharap naman nito ang iba’t ibang mga mamamahayag mula sa Europa, Estados Unidos, Australia at marami pang iba.
Nagbanta na lamang sa Horn na kung ayaw seryosohin ni Pacman ang okasyon, magkakaalaman daw sa Linggo sa ibabaw ng ring.
“I don’t know if it’s arrogance but I can just promise him it’s not going to be an easy fight,†ani sa Horn sa The Courier Mail.
Nakisama naman sa pagkantiyaw ang co-promoter ng “Battle of Brisbane†na si Dean Lonergan sa pagsasabing “world champion texter†daw si Pacquaio.
Sa naging paliwanag naman ni Pacquiao kaya abala siya sa pagte-text ay dahil sa sinusulat niya ang kanyang magiging talumpati.
Ipinagtanggol din si Pacman ng kanyang coach na si Freddie Roach sa pagsasabing mahaba raw kasi ang mga pasasalamatan ng fighting senator kaya makikitang abala ito sa kanyang cellphone.
“I was actually making my speech to thank the people,†paliwanag naman ni Sen. Pacquiao. “I wasn’t texting anyone. I was just making my message but I didn’t get to say it.â€