Nagbubunyi ngayon si Jeff Horn matapos na ilabas ng World Boxing Organization (WBO) ang review sa scoring ng tatlong judge na nagpanalo sa Australian star kontra kay Manny Pacquiao kaugnay sa kontrobersiyal na laban sa Brisbane, Australia noong July 2.
Tinawag ni Horn ang nasabing desisyon na “super timing†lalo na at patungo siya ng Amerika dahil sa imbestigasyon ni Top Rank promoter Bob Arum.
Ayon kay Horn magsisilbi raw itong dagdag niyang ebidensiya na talagang siya ang nanalo sa nasabing laban.
“It gives me evidence behind me that I can just use now. Instead of saying I think I won the fight, now a heap of other people – professionally – think I won the fight,” ani Horn sa mga reporters sa Brisbane Airport bago lumipad patungong US.
Kung maalala ang ginawa ng WBO na rescoring ay kasunod ng protesta ng fighting senator, Games and Amusements Board (gab) at pag-alma ng mga fans at ilang boxing analysts.
Ginamit na basehan ng WBO sa review ang resulta ng rescoring mula sa limang mga competent judges na nagmula raw sa iba’t ibang mga bansa.
Ang muling pag-score sa laban mula sa video tape ay tinanggalan ng sound.
Pinagbasehan sa tabulation na dapat tatlong mga judges ang magkakapareho ng scoring mula sa lima.
Matapos ang analysis sa findings, sinabi ng WBO na nanalo raw si Pacquiao ng limang rounds lamang habang nakuha naman ni Horn ang pitong rounds.
Anila, nagwagi si Pacman sa 3rd round, 8th round at 9th round ng 100 percent.
Sa 5th round ay 80 percent naman na napunta ito kay Manny at ang 11th round ay 60 percent ang nakita ng mga judges.
Kay Horn naman daw ay napagwagian ang 1st round, 6th at 12th rounds na pawang nasa 100 percent.
Ang round 2nd, 4th at 7th ay nasungkit naman ng Australian star ng 80 percent.
Ang 10th round ay 60 percent ang nakita na panalo raw ng undefeated na 29-anyos na boksingero.
Samantala paliwanag pa WBO, matapos ang isinagawang analysis, pinagsama ang resulta ng scoring ng Independent Judges at ng mga bout judges upang makita ang “percentage agreement†sa kada round.
“The analytical method utilized was also used in the decision of Algiere-Provodnikov and Pacquiao-Bradley. Based on this analysis, Jeff Horn was the winner of the bout,†bahagi ng statement ng WBO.
Bago ito, sinabi ng WBO na anuman ang resulta ng imbestigasyon, hindi na mababago pa ang panalo ni Horn bilang bagong WBO welterweight champion.
Sa ngayon, inaantay naman ang susunod na magiging desisyon ng fighting senator kung susundin ang kanyang option na rematch clause sa naunang pinirmahang kontrata.