-- Advertisements --

Posibleng matatagalan pa ang paglalaro ni Charlotte Hornets forward Gordon Hayward dahil sa sprained ligaments sa kaniyang left ankle.

Noong ito ay nagpa-X-ray kasi ay nagnegatibo siya subalit ng sumailalim sa MRI ay doon nakita ang kaniyang sprained ligaments.

Natamo ni Hayward ang injury sa unang quarter nila ng Toronto Raptors matapos na matumba si Gary Trent Jr sa kaniyang ankle.

Ang 31-anyos na si Hayward ay mayroong 16.1 points, 4.6 rebounds at 3.6 assists sa bawat laro sa ikalawang season niya sa Charlotte.