-- Advertisements --

Tinapos ng Charlotte Hornets ang kanilang three-game losing streak makaraang biguin nila ang Houston Rockets, 108-99.

Humakot ng 24 points si Terry Rozier upang pangunahan ang Hornets, na sinamantala rin ang inaalat na performance ng Rockets.

Nagtala ng walong turnovers ang Houston, at nagmintis din ang limang 3-pointers sa kanilang unang 12 possessions.

Umalalay din sa Charlotte si Devonte’ Graham na uniskor ng 23 points, at si rookie P.J. Washington, na may 22.

Hindi naman umubra ang 30 points, 10 rebounds at 14 assists ni James Harden, na kanyang ika-46 career triple-double at ikaapat ngayong season.

Nanggaling din kay Harden ang 10 sa 21 turnovers ng Houston.

Nagdagdag ng 25 points si Robert Covington, habang may 20 naman si Jeff Green para sa Rockets.