Isa ang lungsod ng Makati sa National Capital Region na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.
Dahi dito ay nagkukulang na ang mga hospital beds sa lungsod.
Sinabi ni Assistant City Health Officer Dr. Rolando Unson na kapwa nasa 93% na puno na ang Ospital ng Makati at Makati Medical Center.
Mayroong 632 na bagong kaso sa lungsod na ang pinakamarami ay ang Barangay Pio de Pilar at Bangkal ang dalawang barangay na malapit sa Pasay City kung saan na-detect ang South Africa variant ng virus.
Maging ang mga quarantine facilities sa lungsod ay malapit na rin aniyang mapuno.
Paglilinaw naman nito na hindi pa nakakaalarma ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Dahil aniya sa pagtaas ay mas pinahigpit pa ng city government ang pagpapatupad ng minimum health standard.