Nadagdagan pa ang bilang ng mga okupadong hospital beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA Research Group.
Batay sa inilabas na datos ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, sa loob lamang ng isang linggo ay pumalo na sa 41% ang bilang ng hospital bed occupancy habang tumaas naman sa 37% ang bilang ng mga ginagamit na intensive care units (ICUs) sa buong NCR para sa mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19.
Sa ngayon kasi ay nasa 1,942 na ang bilang ng mga okupadong hospital bed batay sa pinakahuling datos noong December 31, mula sa dating 1,381 na bilang nito noong December 24.
Samantala, sinabi din ni Dr. David na sa pangkalahatang datos naman ay nasa 23% ang bilang ng hospital bed occupancy habang nasa 25% naman ang ICU occupancy sa buong NCR.
Kapwa nananatili na itinuturing na nasa very low dahil kinakailangang pumalo muna sa 70% ang mga ito bago ikonsiderang nasa critical level na.
Magugunita na una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang posibleng pinagmulan ng mga naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay ang ‘highly transmissible’ na Omicron variant.
Sa ngayon ay nakapagtala na ang ahensya ng 11 importes cases at tatlong local cases ng nasabing bagong variant ng COVID-19 sa bansa.