-- Advertisements --
Hindi pa umabot sa kritikal na level ang hospital bed occupancy rate sa buong National Capital Regioin (NCR).
Base sa talaan ng Department of Health (DOH) na mayroong 43.5 percent ang hospital bed occupancy sa buong NCR na ito ay maituturing na nasa “safe zone” pa rin.
Mayroong apat na kategorya ang DOH sa bed occupancy ito ay ang critical, high risk, moderate at safe.
Patuloy pa rin ang pagpapaalala ng DOH na kahit na bumaba ang COVID-19 bed occupancy rate sa Metro Manila sa “safe zone” ganun din sa mga bagong kasong naitala ay dapat huwag magpakampante ang mga tao.
Nararapat pa rin na maging mahigpit pa rin ang marami sa pagsunod sa health standards.