-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinukulang na ang mga medical frontliners kasunod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na kulang na ang mga vaccinators, nurses, caregivers at nursing aids.

Ayon sa alkalde, puno na ang mga hospital beds para sa mga COVID-19 patients.

Ngayong araw anya, nakapagtala na ng 116 na positive cases sa Iloilo City.

Umapela naman si Trenas sa mga residente ng Iloilo City na sumunod sa health protocol.