-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa Davao region, nananatili ngayon na nasa critical level ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa loob ng ilang buwan.

Nabatid na nitong nakaraang araw, ang 92 intensive care unit (ICU) beds sa SPMC ay nasa 90.22 percent fully occupied habang ang kanilang 432 ward beds ang nasa 94.44 percent fully occupied.

Sa nakaraang linggo, ang ICU at ward bed occupancy sa nasabing hospital ay nasa 80 hanggang 100 percent.

Ayon pa sa Department of Health’s (DOH) critical utilization rate, ang occupancy levei habang ang 71 at 100 percent ay makokonsidera na “danger zone” o critical level.

Una ng sinabi ni SPMC head Dr. Ricardo Audan na plano nila na mag-augment sa posibleng overspill na mararanasan dahila na nagtayo sila ng modular hospital na may 44-bed capacity, na maaaring maka-cater rin ng mga COVID-19 cases at mga nahawa ng Delta variant.

Nilinaw rin ng opisyal na ang SMPC ay hindi lamang ang main referral COVID-19 hospital sa siyudad ngunit pati na sa mga pasyente na mula sa ibang parte ng rehiyon.

Una na rin na sinabi ng DOH-Davao Region na ang ICU beds sa rehiyon ang nasa 65.4 percent occupied, habang ang isolation beds ang nasa 57.1 percent occupied, at ward beds ang nasa 68.6 percent na occupied.