-- Advertisements --

Ibinunyag ng administrator ng Overseas Filipino Workers hospital sa San Fernando, Pampanga na nangangailangan ng karagdagang 200 nurses ang nasabing hospital.

Ayon kay Dr. Dante Dator, pinakamahalagang hamon nila ngayon ay kung paano dagdagan ang workforce nito.

Dahil dito, nanawagan siya ng tulong sa Department of Labor and Employment na maglathala na kukuha sila ng nurses na mga hanggang 200.

Aniya, ang ospital ay mayroong 52 nurses, kabilang ang 25 na dating OFW.

Dagdag pa niya na ang pasilidad ay nag-iinterbyu sa mga aplikante halos bawat linggo.

Napag-alaman na ito ang unang ospital ng Pilipinas na nakatuon sa mga overseas Filipino workers (OFWs).