-- Advertisements --
inside hospital in wheels
Surgery inside the Hospital on Wheels

Agaw atensiyon ang pakikibahagi ng Hospital on Wheels (HOW) bilang partner ng Bombo Radyo at Star FM para sa Bombo Medico 2019 na idineploy sa bahagi ng Unibersidad de Manila na siya venue ng medical mission.

Ang HOW ay isang air-conditioned bus na mayroong 40ft container van na nagsisilbing mobile ospital.

Mayroon din itong sariling supply ng tubig, gas, generator sets at pre-fabricated tents.

Sa loob nito ay mayroong operating room kung saan isinasagawa ang mga kahalintulad na surgeries tulad ng hernia o luslos, cleft lip o bingot, goiter at external surgeries.

hospital on wheels 1
Inside the Hospital on Wheels

Ang mobile hospital ay nasa ilalim nang pangunguna ni Dr. Jim Sanchez ng RP Healthcraft Carrier.

Layunin ng kanilang grupo ang makapag-abot ng tulong sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad, walang maayos na pagamutan o pharmacy.

Ang Hospital on Wheels ay ang unang mobile hospital na agarang rumeresponde sa mga lugar na nangangailangan ng mabilisang tulong.

Nagsimula ang kanilang operasyon noong 2017 at halos 12 taon na nilang ginagawa ang serbisyo publiko na ito.

Ayon kay Dr. Sanchez, naisipan niya ang ganitong gawain dahil napansin daw nito na karamihan sa kumunidad ay kapos sa pangangailangang medikal.

Naniniwala kasi si Dr. Sanchez na sa ganitong paraan ay mas maraming pasyente na mahihirap ang maaabutan ng kanilang tulong.

hospital wheels