LA UNION – Hinigpitan pa ng Ilocos Training Regional and Medical Center sa siyudad ng San Fernando, La Union ang mga hakbang kaugnay sa 2019 novel coronavirus.
Kahapon ay inumpisahan na ng liderato ng ITRMC na isagawa ang screening sa mga pumapasok sa nasabing pagamutan kung saan nakabantay ang mga security guard at medical practitioners na nakasuot ng facemask at thermal scanner upang i-monitor ang mga ito.
Kahit ang mga behikulong pumapasok ay dumadaan din sa thermal scanners.
Matapos ang isinagawang screening ay mabibigyan ng rubber band na may nakalagay na green na papel para sa emergency at dilaw naman kapag sa out patient ang mga ito.
Ang nasabing hakbang ay bahagi lamang upang makaiwas sa nCoV.
Una rito, naka-confine pa sa nasabing pagamutan ang 3 Chinese nationals na patients under investigation (PUI’s) na inaantay pa hanggang sa ngayon ang resulta ng test ng mga ito.