Isang malawakang kilos-protesta ang isinagawa ng daan-daang emplyeado ng mga ospital sa Hong Kong upang hingin ang pagpapasara sa border ng China.
Ito ay para raw tuluyang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng sakit na coronavirus sa lungsod.
Ayon sa mga otoridad, paglabag umano sa abiso ng World Health Organization sa oras na ituloy ang pagsasara ng border.
Nasa 15 kaso na ang kumpirmadong kaso sa lungsod.
“If there is no full border closure, there won’t be enough manpower, protective equipment, or isolation rooms, to combat the outbreak,” saad ni Winnie Yu, chairwoman ng Hospital Authority Employees Alliance.
Nakatakda ring magsagawa ng kilos-protesta ang mga doktor at nurse bukas kung hindi raw sila pakikinggan.
Umabot na sa 17,000 kumpirmadong kaso ng NCov at 361 na ang nasawi sa China.