Nagbunsod sa mas mabilis na pagdami ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga bata sa Estados Unidos ang Omicron variant sa loob lamang ng ilang linggo.
Batay sa pinakahuling datos ng US Centers for Disease Control and Prevention, umakyat sa 334 o may katumbas na mahigit 58% ng mga bata sa buong bansa ang bilang ng seven-day average number ng daily hospitalizations mula December 21 hanggang December 27, mas mataas kumpara sa humigit-kumulang na 19% na unang naitala na ahensya dito na mas kaunti naman sa 25% ng 74 million na mga bakunadong mga amerikano na may edad 18 taong gulang.
Nagbabala din ang mga eksperto sa posibleng pagkakaroon ng surge ng Omicron variant sa buong US dahil sa muling pagbubukas ng mga paaralan dito susunod na linggo pagkatapos ang winter holiday.
Sinabi ni Dr. Jennifer Nayak, isang infectious disease expert at pediatrician sa University of Rochester Medical Center, na mga batang wala pang limang taong gulang na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 ang tinatamaan ng nasabing virus.
Aniya, nangangahulugan ito na malaki pa ang bilang ng mga bata wala pang pre-existing immunity laban sa nakamamatay na virus na ito.
Bukod dito ay makikita rin sa datos na halos kalahati ng populasyon ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay mga batang may edad na limang taong gulang pababa.
Tumaas din sa 109 ang bilang ng bata sa New York City na may edad na 18 pababa ang naospital sa pagitan ng December 19 hanggang December 23.
Habang tumaas naman sa 184 ang kabuuang bilang ng batang may kaparehong edad sa buong Estados Unidos ang naospital din sa COVID-19.