-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Iminungkahi ni dating National Task Force on COVID-19 special adviser Dr. Tony Leachon ang pagtatayo ng “hospitals outside hospitals” bilang sagot sa congestion sa mga ospital sa Metro Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sinabi ni Leachon na nangangailangan ng proper ventilation ang mga pasyente, hindi lamang sa simpleng tent.

Maaari aniyang gamitin ang mga paaralan, stadiums at iba pang outside arena para sa rekomendasyon.

Maliban dito, nababagalan rin si Leachon sa mass vaccination.

Problema aniya ag maliit na suplay at kakulangan ng tulong sa mabilis na pagbabakuna sa publiko.

Nanawagan rin si Leachon ng ayuda para sa mga apektado ng Enhanced Community Quarantine, dahil marami ang muling nawalan ng kabuhayan.