-- Advertisements --

Umabot sa 18 oras bago tuluyang matapos ang naganap hostage-taking sa Hamburg Airport sa Germany.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na dumiretso ang sasakyan ng 35-anyos na lalaki sa security barrier patungo sa tarmac ng paliparan.

Kasama niya sa sasakyan ang apat na taong gulang anak na babae nito.

Ipinarada ng suspek ang kotse nito sa ilalim ng eroplano na pag-aari ng Turkish Airline.

Matapos ang ilang oras na negosasyon ng mga otoridad ay napasuko nila ang suspek.

Hindi namang nagtamo ng anumang sugat o nasaktan ang batang babae.

Dahil sa insidente ay naantala ang mga flights ng paliparan kung saan ilang libong pasahero ang naapektuhan.

Sinabi ni Hamburg police spokeswoman Sandra Levgruen nagalit lamang ang lalaki dahil sa awayan sa kustodiyia ng kaniyang anak mula sa dating asawa nito.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na itinakas ng lalaki ang anak dahil noong nakaraang taon ay dinala na nito ang anak sa Turkey.

Mahaharap naman sa kaukulang kaso ang suspek habang ang anak nito ay nasa kustodiya ng ina.