-- Advertisements --
VIGAN CITY – Ngayon pa lang ay nag-aagawan na raw ang iba’t-ibang bansa para sa hosting ng susunod na coronation ng Miss Universe ayon sa isang major sponsor ng kompetisyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na kabilang ang United Arab Emirates at South Korea sa mga nagtutunggalian para sa Miss Universe 2019 hosting.
Bukod dito, maging ang Pilipinas ay nagbabakasakali rin daw sa muling pagho-host ng pageant.
Aminado si Singson na malaking sponsorship ang kailangan ng bansa para muling hawakan ang Miss Universe hosting.
Kaugnay nito, tiyak daw na madadagdagan pa ang mga estadong mag-aagawan para mag-host ng naturang pageant.