BACOLOD CITY – Abala ngayon si former SEA games gold medalist Marites Bitbit sa pag handa ng lugar na gaganapan ng mountain bike competition kung saan inaprobahan ito ni Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez bago mag apply ng leave of absence.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Bitbit, habang hindi siya maka uwi pa ng Cebu ay gumagawa siya ng iba’t-ibang bike paths at bagong mountain bike course sa Loakan, Baguio City, dahil ito ang napili nilang magandang lugar para sa planong pag host ng Pilipinas ng national and international mountain bike downhill and cross country competition.
Dagdag pa ni Bitbit hopeful sila na matuloy ang mga naka line up na mga competition kapag naging maayos na ang sitwasyon.
”Ginagawa kung maging high standard ang magiging venue wherein pupunta dito si Mr. Oscar Rodriguez yong Vice President ng Phil Cycling. Siya rin ang mountain bike officer, he will inspect and then he’ll approve kung talagang pwede itong championship area at the same time hopefully international event. Probably by December we can have one national race. Hopefully diba maging okay na diba, next year 2021 yon na full blast na kami for the whole year” pahayag ni former SEA games gold medalist Marites Bitbit.