-- Advertisements --

Inaprubahan ng IATF ang hiling ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mag-host ng International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers sa buwan ng Hunyo, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay gagawin sa ilalim ng bubble-type setting sa Clark, Pampanga, at subject sa mga health at safety protocols.

Sinabi ng kalihim, pinayagan din ng IATF ang pagpa-practice ng Philippine Basketball Association (PBA) sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ at subject pa rin ito sa mga health at safety protocols.

“Also allowed is the conduct of scrimmages and practice of the Philippine Basketball Association in areas under General Community Quarantine (GCQ) and MGCQ, subject to proper health and safety protocols,” ani Secretary Roque.