-- Advertisements --
yao turn over
Photo courtesy of Samahang Basketbol ng Pilipinas

Opisyal nang itinurn over sa Pilipinas at sa dalawa pa nitong co-hosts nitong Linggo ang hosting rights para sa 2023 edition ng FIBA World Cup.

Tinanggap ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan, kasama ang mga kinatawan mula sa Indonesia at Japan, ang FIBA flag mula kay Chinese Basketball Association chairman Yao Ming sa Beijing.

“We’re on our way – we’re bringing home the FIBA flag 2023 with us. The journey begins tonight,” saad ni Pangilinan sa isang tweet.

“A huge honor and privilege for SBP, and great pride for our people. Thank you so much to all of you for your support – you inspire us, and give us the energy and spirit to keep trying,” dagdag nito.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na magiging host ang Pilipinas ng nasabing torneyo kung saan huli itong nangyari noong 1978.

Gaganapin dito sa bansa ang apat na preliminary round groups, dalawang second round groups at ang final tournament phase mula sa quarterfinals kabilang na ang grand finals.

Magsisilbi namang playing venues ang Mall of Asia Arena sa Pasay; Philippine Arena sa Bulacan; Smart Araneta Coliseum sa Quezon City; at ang PhilSports Arena sa Pasig.