-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Agad na naglunsad ang Philippine National Police (PNP) ng regionwide pursuit operations sa Central Mindanao laban sa mga miembro ng Bangsamoro Islamic freedom fighters O BIFF na itinuturong responsable sa pananambang sa tropa ng Ampatuan, Maguindanao PNP na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa kabilang ang chief of police at pagkasugat naman ng tatlong iba pa sa Brgy. Kapimpilan, Ampatuan Maguindanao.

Ito ang inihayag ni PMaj.Regie Albellera, PIO, PNP-Maguindano sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon sa opisyal, mahigpit na kinokondena ng PNP ang kagagawan nga BIFF at naglunsad ng hakbang para mapanagot ang mga responsable sa nasabing krimen.

Ayon pa sa opisyal, hindi bababa sa 10 mga miembro nga Bangsamoro Islamic Freedom Fighter na armado nga matataas na kalibre nga baril ang nagpaulan ng bala sa grupo ni PLt. Samson na magsisilbi sana ng mandamiento de arresto sa isa ng individual na nag ngangalang Kamir Kambal.

Dagdag pa ni Albellera, karumaldumal na krimen ang nangyari at dapat lamang na managot sa nasambing pananambang.

Ipinasiguro naman ng kanilang hanay na gagawing ang lahat para makuha ng mga pamilya ng mga biktimang pulis ang hustisyang ini-asam.

Sa ngayon, nasa stable na kondisyon at nagpapagaling ang mga nakaligtas at sugatang pulis na sina PSMS Reynante Quinalayo, Pcpl Rogelio Dela Cuesta jr, Pcpl Clint Marc Dayaday.

Inalerto rin ng Bangsamoro Region at Police Regional Office 12 ang Police Regional Mobile Forces para sa posibleng pagharang sa isang armadong grupo na pinamumunuan ni Abdulnasser Saptula Guianid na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa dalawang tauhan ng PNP, kabilang ang town Police Chief ng Ampatuan, Maguindanao.

Nagpaabot naman nga pakikiramay nga buong hanay nga pambansang pulisya sa pamilya nga mga bikitma sa sinapit nga mga ito.