-- Advertisements --

Nagsasagawa ng hot pursuit Operations ang Special Action Force at mga pulis ng Sagay Municipal Police Station laban sa mga suspek sa tinaguriang Sagay 9 Massacre.

Ito ang iniulat ni PRO 6 Regional Director Csupt John Bulalacao kasabay ng pagtiyak na isang malalimang imbestigasyon ang gagawin sa insidente.

Ito’y matapos pagbabarilin at mapatay ng 40 armadong suspek ang 9 na miyembro ng NFSW o National Federation of Sugar Workers sa bayan ng Sagay, Lalawigan ng Negros Occidental noong Sabado ng Gabi.

Ayon kay Bulalacao, ipinagutos na niya ang pagdeploy ng lahat ng available resources para maaresto ang mga responsable sa insidente.

Una nang sinabi ni Bulalacao na may ebidensya silang hawak na nagtuturo sa mga terroristang NPA na nasa likod ng krimen.