BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ngayon ang hot pursuit operations ng mga tauhan ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army matapos ang 15-minutong bakbakan dakong alas-12:30 kaninang hatinggabi Brgy Maraiging, Jabonga, Agusan del Norte.
Ito ay matapos lusubin ng tinatayang 25 mga rebelde ang 29th IB Squad na may 7 mga sundalo at 3 CAA members na pinangungunahan ni Sgt. Galarita habang binabantayan ang nagpapatuloy na konstruksyon ng farm to market road sa naturang lugar.
Nagresulta sa pagkamatay ng apat nilang kasamahan na kinabibilangan ng 3 sudnalo at isang Civilian Active Auxiliary (CAA) member habang 2 ang sugatan at 3 mga rebeldeng New People’s Army (NPA) naman ang kanilang nahuli.
Ayon kay 2nd Lt. Roselyn Matulac, Civil Military Operations (CMO) officer sa 29th IB, narekober sa encounter site ang tig-dadalawang M16 rifles at R4 rifles at isang handheld radio.
Kinilala ang mga napatay na sina Cpl Joseph Baclayo, Private Reymark Gudito, Private Christian Fajartin at CAA member na si Carlito Pareja habang ang mga sugatan naman ay nakilalang sina Sgt Noel at PFC Elvis Cumla at isang sibilyan na si Bartolome Pinao.
Hugot niining gikondena ang mga rebelde tungod kay mihimo gihapon sila pag-atake taliwa nga anaa sulod sa komunidad ang lokasyon sa maong proyekto.
Samantala ang mga nahuling rebelde ay nakilala namang sina Renan Bago alyas Ka Justin na sugatan, Andre Pinao at Tungan Lauro na nakunan ng isang M16 armalite rifle.