KORONADAL CITY- Nagpapatuloy ang imbestigasyon at hot pursuit operation laban sa isang pulis matapos ang umano’y paghahampas ng ulo ng sariling asawa nito.
Kinilala ang nasabing opisyal kay P/Cpl. Edwin Habagat na nakadestino sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit(RPHA) ng PNP PRO 12 at kinilala rin ang asawa nito na si Davy Joy Habagat, 37 taong-gulang, isang mananahi at kapwa residente ng Prk. Paglaum, Brgy. Paraiso, sa lungsod ng Koronadal.
Ayon kay P/Lt. Analiza Domingo, ng investigation section ng Koronadal PNP, nakatanggap sila ng tawag galing sa isang pribadong hospital sa lungsod na may dinalang biktima ng paghahampas.
Doon umano nakilala ang biktima na asawa pala ni Cpl. Habagat kung saan nalaman na ito rin ang naghatid sa kanyang misis.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, na bago paman dinala ni Habagat ang asawa sa ospital, noong Disyembre 9 ng nangyari umano ang alegasyong panghahampas ng nasabing pulis, ngunit nagreklamo umano ang biktima na masakit ang ulo at nahilo pa ito, dahilan na dinala ito sa hospital.
Dahil naman sa natamo na injury ng biktima, hindi na nito na kayanan at ideneklarang dead on arrival pagdating sa nasabing hospital.
Sa ngayon, galit at paghihinagpis ang nararamdaman ng pamilya ng biktima dahil sa nangyari dito.