-- Advertisements --

Aminado si Task Force on Media Security (PTFOMS) Undersecretary Jose Torres Jr., na ‘wala silang magagawa para sa mga ‘hot spot’ areas concern ng bansa kung ‘di mag provide ng mga karagdagang security escort para sa mga media workers ngayong election season.

‘Sa hot spot po ‘wala po talaga tayong magagawa diyan, hot spot ‘yan eh kaya ang gagawin po natin sisigaraduhin po natin nandyan ang security escort for example kung mag request ‘yung mga media,’ wika ni Torres Jr.

Maaari naman umanong mag request ang mga ito para sa mga ‘hot spot’ area of concern dito sa bansa.

Nabatid na kamakailan na iniulat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga 1,619 na nisyal na areas of concern para sa darating na midterm election.

Kung kaya’t nakiusap din ang task force chief na alalaahanin parin ang kaligtasan ng mga media personnel at ‘wag lumusob sa mga bagay na magpapahamak sa kanilang buhay.

‘Pinapanawagan natin sa media na dapat po laging mag ingat huwag po taong lumusob ng lumusob kung saan kung ‘wala (hindi) naman delikado ‘yung lugar at tingin natin it will endanger our lives,’ ani Usec. Torres Jr. Dagdag pa nito na ‘Theres no story na worth
dying for naman’.

Pinunto pa ni Usec. Torres Jr., na dapat aniya coordinated ang media workers sa mga awtoridad kung pupunta sa ‘hot spot’ areas at mahalaga din aniya na laging isalang-alang ang kaligtasan ng bawat isa.

‘When your under attack puwede po kayong mag report sa PTFOMS at tutulungan po namin kayo kung gusto niyong mag file ng kaso o ipatawag kung sino man ang nag violate sa inyong karapatan or gustong kayong takutin ang inyong mga buhay. Online man ‘yan o face to face meta verse man ‘yan or real world,’ sabi pa ni Torres Jr.

‘Nandito lang po kami naghihintay ng inyong mga suggestions, nag hihintay rin po kami ng inyong mga sumbong at pangko po namin na aaksyunan po ‘yan ng gobyerno tutulungan po kayo mag hanap ng abugado mag sampa ng kaso pero at the same time po titignan din po kung meron bang batayan ‘yung mga ganong reklamo,’ paglilinaw ng task force chief.