Nasa 70 katao ang pinaniniwalaang na-trap makaraang gumuho ang isang hotel na ginagamit bilang coronavirus quarantine facility sa City of Quanzhou, Fujian province sa China nitong Sabado ng gabi.
▶UPDATE: 40 katao narescue mula sa nag- collapse na hotel sa China – state media
Sa pahayag ng mga opisyal ng Quanzhou city government, dakong alas-7:30 ng gabi nang bumigay ang five-storey Xinjia Hotel.
Umabot na rin umano sa 35 katao ang nailigtas ng mga otoridad sa nagpapatuloy na search and rescue efforts.
Sa mga videos na lumabas sa social media sites, makikita na sinusuyod ng mga emergency workers ang gumuhong gusali upang matunton ang iba pang mga natabunang biktima.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang dahilan ng pagguho, maging kung may namatay sa insidente.
Ang nasabing hotel ay ginagamit bilang quarantine facility para sa mga pasyenteng nagkaroon ng contact sa mga dinapuan ng coronavirus disease (COVID-19).
Binuksan umano ang hotel noong 2018 at may 80 guest rooms. (Reuters/ BBC)