-- Advertisements --
Ibinunyag ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) na hindi pa nakakabalik sa sigla ng kanilang tulad ng noong pre-pandemic levels.
Ayon kay Benito Bengzon Jr ng PHOA, na may ilang mga source market na tinatawag bago ang pandemiya ang hindi pa nakakabalik sa kanilang travel patterns.
Kung maikukumpara bago ang 2019 ay umaabot sa mahigit 2 milyon ang kanilang mga bisita subalit hanggang ngayon ay mayroon lamang ng 200,000.
Isa ring nakikita nilang dahilan ay ang flight frequency kung saan ang problema sa air traffic o access ay dapat maayos ng isang bansa.
Gayun pa man ay naniniwala ito na sisigla ang kanilang industriya ngayong taon.