Umaapela ang grupo ng mga hotel owners sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa disbursement ng nasa P1.7 billion na nagastos para sa quarantine hotels ng mga overseas Filipino workers.
Ayon kay Philippine Hotel Owners Association executive director Benito “Bong” Bengzon Jr., karamihan sa mga hotels na nag-operate bilang quarantine at isolation facilities ay sa National Capital Region (NCR) na nasa 84 hotels.
Giit ni Bengzon na kailangan na aniya ang naturang payment para mayroon silang magamit sa kanilang operating expenses kung saan pinakamalaki nilang pinaglalaanan ang expenses sa kuryente at pagpapasahod sa kanilang mga empleyado.
Samanatala, ayon naman kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac nakipag-uganayan na aniya sila sa mga miyembro ng hospital owners association para matugunan ito.
Nilinaw ni Cacdac na patuloy ang kanilang pagbibigay ng payout sa mga hotels at tiniyak na may sapat na pondo para mabayaran ang mga statement of account ng mga hotel kung saan mayroong P11.4 bilyong pondo ang kongreso na inilaan para mabayaran ang bills ng hotels gayundin ang transport bills ng mga returning OFWs o ang emergency repatriation fund.
Inaasahaan din aniya na mailalabas na ang P1.74 billion mula sa DBM ngayong buwan ng Marso.
Humingi naman ng pang-unawa ang OWWA sa mga hotel owners habang pinoproseso pa ang disbursement ng naturang pondo.